Back

Nov 26

Astrotel Donation in Marikina

Bangon Marikina – Naki-sa ang Astrotel sa adhikain ng Marikina City Government na makabangon mula sa pinsala na kanilang natamo noong nag daang bagyong Ulysses. Sa pakikipagtulungan nina Marikina Vice Mayor Marion Andres, at Marikina District 1 Councilor Rommel Acuña, ay naging matagumpay ang pamamahagi ng mahigit 1000 linens sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Marikina City noong  Nobyembre 26, 2020.

 

Kabilang ang  Brgy. Tañong, at ang Brgy. Industrial Valley Complex sa mga barangay na lubos na naapektuhan ng nasabing bagyo. Nakatanggap ang mga pamilya sa nasabing barangay ng mga libreng towel at kumot mula sa Astrotel.

 

Para sa iba pang impormasyon ukol sa Astrotel magtungo lamang sa kanilang website http://astrotel.ph/ .